
Naligaw ako sa Cafe Juanita. Ito ang pinaka weird na restaurant na napuntahan ko, kasi parang hindi siya restaurant. Parang isang bahay na ang sikip sikip at maraming gamit sa loob na weird din. Sobrang init siguro dito kung hindi aircon ang restaurant na to. Ang exact address ng Cafe Juanita ay East Capitol Drive corner West Capitol Drive, Barrio Kapitolyo, Pasig City. (#2 United St. cor. West Capitol Drive ang exact address ng Cafe Juanita sa ibang websites) Pero nung tiningnan ko yung street signs, ang nakalagay ay East Capitol Drive at West Capitol Drive. So ibig sabihin nasa corner sya ng East at West.
(more…)

Naligaw ako sa Bureau of Immigration kanina para kumuha ng Allow Departure Order. Kelangan ko to para makalabas ng bansa. Subalit hindi ko po ito nakuha, kasi hindi ko na daw to kelangan. Wala daw kasi ako sa watch list/look-out list nila. In short, I have no derogatory records. Yun kasi tawag kung naka blacklist ka, or nasa watchlist ka, or may hold departure order ka. Kaya nag taka ako, DOST-SEI scholar ako pero wala ako sa watchlist. Tinanong ko ulit yung girl sa CVU (Central Verification Unit) kung yung letter from DOST-SEI na tinatakan nila ng “No Derogatory Records” lang ang kelangan na ipakita ko sa immigration sa airport, at sabi nya yun lang daw.
(more…)

Naligaw ako sa Nuffnang Philippines Office, Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig! Bat ako naligaw? Kasi di ko alam san ako papunta kaya naligaw ako. Kung alam ko saan ako patungo, ehdi hindi ako naligaw. So wala akong alam at hindi ko alam saan ang next kong pupuntahan. Masarap tumambay sa Nuffnang office, lalo na pag may dala kang laptop, kasi free ang Internet. Sana maligaw ulit ako dito next time. Teehee…

Ako ay naligaw nanaman. Saan? Sa SM City San Lazaro. Ang SM City San Lazaro ay kilala rin na SM Tayuman. Kadalasan, sa mga signage ng Jeepney, SM Tayuman ang nakalagay, instead na SM San Lazaro. Kahit malaki na ang nakasulat na San Lazaro, tinatawag parin ito na SM Tayuman ng mga taga Tayuman. Siguro dahil ang Tayuman street ay sikat at ang pinaka mahabang street na nasa right side ng SM San Lazaro. Actually, hindi siya right side, dulo siya ng Tayuman.
(more…)

Ako ay naligaw sa bar na ito pero hindi po ako nag babar hopping. Hindi ko po hilig yun at hindi pumasok sa isip ko kahit once na pumunta ng bar. Eh bakit ako nandito? Naligaw nga ako eh. Naligaw! Hindi ako pumunta. Naligaw! Period!. Ang Alchemy Bar ay nasa Frontera Verde Drive Corner Julia Vargas Street, Pasig City.
Yung nasa gitna ay si Roxanne Barcelo. I think eto yung Induction ng bagong Mensa Members at ako ay naligaw lang po dito at accidentally naging Mensa Batch Ambassador. Weird, di ko alam bat ako ang pinili nila. Sa palagay ko gusto nila yung mga taong naliligaw. Hehe.
Eto lang po ma popost ko for today. Abangan ang iba pang lugar kung saan ako maliligaw! WohooOO!