
Sa wakas, after nag down ng dalawang linggo dahil pumalpak ang Dreamhost at wala akong backup. Ako ay naligaw sa Singapore at napasakay sa Singapore Flyer. Yay! Di ko alam saan pupunta kaya tiningnan ko ang mapa ng Singapore Flyer. Hehehe. Yun lang po for today. Maraming salamat!

Naligaw ako minsan sa Butterfly Sanctuary sa Bohol. Pero di ko nakunan ng larawan ang mga butterfly na matatanda. Baby butterflies lang ang nakunan ko gaya ng litratong nasa taas. Yun lang po para ngayon araw. Mag popost pa ako ng maraming lugar kung saan ako naligaw.
Abangan ang susunod na kabanata!

Ako ay naligaw sa Chocolate Hills, Bohol, Philippines! Hina hanap ko ang daan patungo sa bayan, pero hindi ko makita. Puro hills lang na kulay green ang nakikita ko. Wala na akong ibang makita kundi hills na chocolate, pero hindi naman kulay chocolate. Kasi may grass na tumubo, kaya green na siya. Kelangan pa putulin lahat ng grass para maging chocolate siya.
Yun lang po for today. Abangan ang susunod na places kung saan ako maliligaw! Maraming salamat po!