Living Room


Wala na pala akong update dito sa blog ko na naliligaw. Hindi na rin ako nakalabas ng bahay matagal na. So ako ay naligaw sa loob ng bahay. Specifically, sa sala ng bahay namin. Ang huling post ko pala dito ay last November 2010 pa! Ang tagal tagal ko nang di nakapag post dito at muntik ko nang makalimutan na may blog pala akong naliligaw!
(more…)

Gardenia 6k Factory

gardenia
Ang tagal ko na palang hindi na a update ang blog na to. Pero buti naisipan kong mag update ngayon. Ako po ay naligaw sa Gardenia 6k Factory. Ang ibig sabihin daw ng 6k ay 6,000. At ang ibig sabihin ng 6,000 ay 6,000 loaf breads per hour ang nagagawa ng factory na yun pag naka ON. Pero pag naka OFF, walang magagawa kasi naka OFF. Yun lang po for today. Maraming salamat po!

Ay, ang Gardenia 6k Factory po pala ay nasa Laguna. Nakalimuta ko saan banda sa Laguna basta sa Laguna. Check Google Maps nalang. Hehe

Fully Booked, Bonifacio High Street

naliligaw_highstreet
Ako ay naligaw sa Fully Booked, Bonifacio High Street at ito ay isa sa mga pinaka unang kuha ng aking bagong Lumix LX3. Maraming salamat sa kaibigan kong si Maki sa pag bili ng LX3 sa HK! Yey! More naliligaw LX3 photos coming soon!

Serangon Road MRT Station, Singapore

naliligaw_singapore_mrt
Ako ay naligaw sa Serangon Road MRT Station sa Singapore. Di ko alam saan pupunta kasi ang kabisado ko lang na MRT station ay Monumento at EDSA-Taft. Sa Singapore walang Monumento, walang EDSA, walang Baclaran, wala lahat ng alam kong mga station. Kaya ako po ay naligaw. Yun lang po, maraming salamat! Hehe

Magandang Araw

Ang blog na to ay para sa mga taong tulad ko na palaging naliligaw. E popost ko dito ang mga gusto kong e post tuwing ako ay naliligaw. Parang travel blog ko na to, ay.. hindi pala parang,travel blog ko na pala talaga to. Travel blog ng isang taong naliligaw. Maraming salamat po.