
Naligaw ako sa Cafe Juanita. Ito ang pinaka weird na restaurant na napuntahan ko, kasi parang hindi siya restaurant. Parang isang bahay na ang sikip sikip at maraming gamit sa loob na weird din. Sobrang init siguro dito kung hindi aircon ang restaurant na to. Ang exact address ng Cafe Juanita ay East Capitol Drive corner West Capitol Drive, Barrio Kapitolyo, Pasig City. (#2 United St. cor. West Capitol Drive ang exact address ng Cafe Juanita sa ibang websites) Pero nung tiningnan ko yung street signs, ang nakalagay ay East Capitol Drive at West Capitol Drive. So ibig sabihin nasa corner sya ng East at West.
Karamihan sa mga taxi driver ay hindi alam ang lugar na to. Basta pag pasok niyo ng Barrio Kapitolyo sa Pasig, tanong tanong nalang kayo kasi sikat naman ang restaurant na to at maraming may alam na taga doon. Mahirap nga lang hanapin. Hehe.
Ang weird nga ng mga anik-anik sa Cafe Juanita. LOL.
oo nga eh.. nyok