
Naligaw ako sa Bureau of Immigration kanina para kumuha ng Allow Departure Order. Kelangan ko to para makalabas ng bansa. Subalit hindi ko po ito nakuha, kasi hindi ko na daw to kelangan. Wala daw kasi ako sa watch list/look-out list nila. In short, I have no derogatory records. Yun kasi tawag kung naka blacklist ka, or nasa watchlist ka, or may hold departure order ka. Kaya nag taka ako, DOST-SEI scholar ako pero wala ako sa watchlist. Tinanong ko ulit yung girl sa CVU (Central Verification Unit) kung yung letter from DOST-SEI na tinatakan nila ng “No Derogatory Records” lang ang kelangan na ipakita ko sa immigration sa airport, at sabi nya yun lang daw.
So hindi na ako kukuha ng Allow Departure Order letter from them gaya ng sabi ng ibang DOST-SEI scholar friends ko na kinuha nila bago sila makalabas ng Pinas. May binayaran pa daw sila na Php1,000.00+ at pina balik pa after 3 days. Kaya eto ako ngayon kinakabahan kasi baka biglang magka problema sa airport at bigla akong hihingian ng ADO. Sana hindi, kasi wala naman akong HDO (Hold Departure Order) so I don’t need the ADO na, diba?
Good luck nalang sa akin, sana makasama ako sa Singapore this October 23, 2009. Hayyyy…
PS: Sa mga gustong pumunta sa BI para magpa aircon (Kasi malamig doon, as in!) or kung may transaction kayo at hindi niyo alam paano pumunta. Ito po ay malapit lang sa Manila Post Office, mga 253 steps away lang (Aabot ng 300+ pag hindi masyadong malawak ang paghakbang mo). Pag ayaw niyo po mag taxi, pwede kayo mag LRT, baba lang po kayo ng LRT Central Station at labas kayo sa may bandang kanan pag galing kayo ng Baclaran, at sa bandang kaliwa naman pag galing kayo ng Monumento. Makikita niyo kaagad ang Manila Post Office. Sa left side ng Manila post office, andoon po ang Bureau of Immigration. Sa likod po ng BI ay ang Plaza Mexico Ferry Station, kung balak niyong mag Ferry pauwi.
My clearance na ko from DOST pero di ko alam kung kailangan ko pang pumunta ng BI pag trip kong umalis ng Pinas.
Makapunta nga din ng BI ng malaman kung ok na yung records ko sa kanila.
Hello Pat.. yeah daan ka din sa BI to make sure na hindi ka pipigilan ng immigration sa airport, punta ka muna sa immigration dyan malapit sa post office. Para sure na sure na cleared na talaga.. mahirap pag nasa airport ka tapos di ka papasakayin sa plane.. hehehe
Hi,
Have you encountered any problem during your flight to SG?
Im in the same situation. I have my clearance stamped with No Derogatory Records and Im leaving for the US 2 weeks from now.
Thanks.
I had the same issue. Actually, di ako nag-eexpect na mapa-flag pa ako sa NBI, kasi nakakuha na ako ng local clearance nung 2004 although pinabalik lang ako the next day pero wala naman silang sinabi sa akin at walang special na nakatatak dun sa clearance ko.
Sinabihan din ako sa UP dati pa na wala akong babayaran, pero wala akong naalala na sinabi na kumuha ako ng clearance. Nakakuha na rin ako ng passport 2x, at nakalabas na rin ako papuntang Hongkong nung 2009 na hindi nagka-problema sa airport, kaya kampante na ako.
Nung Thursday ko lang ako nagulat na pinapila ako dun sa NBI para ma-interview at nalaman ko nga na may isyu pa pala ako sa DOST ko.
Ang major na tanong ko, ngayong nakuha ko na ang clearance ko at makukuha ko sa Thursday ang NBI ko, kailangan ko pa bang magbayad sa BoI nung pagkamahal-mahal nilang fee?
I’m 90% sure na wala ako sa Hold Departure list nila, at papatatakan ko lang ang letter ko. Nakalabas ka ba ng hindi hinarang sa airport? Did you present the letter or you did not bother alerting them to it?
I would appreciate some advice on this.
Thanks!
Hi Roja.
Don’t worry hindi ka haharangin ng Boi sa airport.
Maraming beses na me nakalabas na walang pinapakitang papers from DOST. hehe
Hello
Just wanted to know kung kailangan bang kumuha ng travel clearance for travel (vacation) to singapore. DOST scholar ako pero nakkuha ako ng passport. I will be leaving this Feb 20th.
Haharangan ba ako sa airport? Do I need to present anything sa airport? Need your advice on this.
Thanks!